Bago ang lahat, saan nga ba
nanggaling ang salitang Kadayawan? Ito ay nagmula sa salitang “madayaw” na
nangangahulugang mabuti, mahalaga, superyor, at maganda. Ang pagdiriwang na ito
ay nakapaligid sa pagdiriwang ng buhay at pasasalamat sa handog ng kalikasan,
kayamanan ng kultura, masaganang ani, at tahimik na pamumuhay. Ang pista ng
Kadayawan ay isang linggong selebrasyon na ipinagdiriwang tuwing ikatlong linggo
ng Agosto sa lungsod ng Davao.
TEN TRIBES, ONE VIBE! Ito ang temang
naglalarawan sa magkasundong kaugnayan ng iba’t ibang mamamayan sa lungsod ng
Davao kasabay ng pagdiriwang ng ika-27 na Kadayawan Festival sa naturang
lungsod. Kaalinsunod sa tema, ninanais ng pyesta sa taong ito na ipakita ang iba’t
ibang kulay, kaisahan, at mayayamang kulturang ng sampung tribong naninirahan
sa lungsod ng Davao: ang Tausug, Matigsalog, Obu Manuvu, Maguindanaon, Bagobo
Tagabawa, Sama, Bagobo Klata, Maranao, Ata and Kagan.
Jean K. Ali, Hiyas sa Kadayawan 2012 |
Ipinagdiwang ang Kadayawan Festival sa iba’t ibang anyo’t paraan. Isa na rito ang Hiyas sa Kadayawan. Ito ay isang labanan ng kagandahan, talino, at talento ng sampung kalahok galing sa magkaibang tribo na huhusgahan batay sa kanilang kaalaman sa kanilang sariling tribo, personal na karakter at pagganap sa cultural skill showcase. Noong ika-17 ng Agosto, 2012 sa Davao City Recreation Center, hinirang ang nagngangalang Jean K. Ali, isang 18 walong taong gulang na isang Maguindanaon bilang Hiyas sa Kadayawan.
(c) Sheila Degamo |
Ang isa ring kasabik-sabik na kaganapan sa panahon ng Kadayawan ay ang Indak-Indak sa Kadalanan. Ito ay isang kumpetisyong street dancing na iniha-highlight ang iba’t ibang kultura ng mga katutubo sa pamamaraan ng sayawan at musika. Naging kampyon sa pagdiriwang na ito ang Jesus Soriano High School of Davao’s Catalunan Grande at Bambad National High School ng Isulan, Sultan Kudarat. Bawat grupo ay nanalo ng tig-kalahating milyong piso.
KAMPYON ng Pamulak sa Kadayawan 2012 |
Nabanggit
ko man ang iilan sa premyong natanggap ng nagsipanglahok, iba pa rin ang gusto
kong bigyang-diin. Tila napaka-swerte’t mapalad ang Lungsod ng Davao sa
pagkakaroon ng masaganang ani ng bulaklak, prutas, at iba pang ani pati na rin
ang kayamanan ng kultura. Kaya marapat lamang na maghandog ng masigabong
pasasalamat para sa kayamanan at magkakaibang kultural at makasaysayang
pamanang naiwan para sa lungsod.
Kaya naman, tayo’y magsaya’t magdiwang!
http://www.gmanetwork.com/news/story/270494/lifestyle/culture/kadayawan-2012-a-celebration-of-flowers-dance-tribes-and-vibe
http://www.kadayawan.com/home/aboutus/viewAll/0#6
very informative and well searched article.MAGSAYA AT MAGDIWANG!!!!THANKS!!!!! Sakit.info
ReplyDelete